36

Jun 25, 2020 @ 17:31
By

TNT palusot sa pagtanggal kay Tab

Sinibak na bilang consultant ng TNT KaTropa si Tab Baldwin, na kinumpirma ng team manager na si Gabby Cui.

Dahilan ni Cui, okay na umano ang pundasyon na naitarak nina head coach Bong Ravena at active consultant Mark Dickel kaya’t pinakawalan si Baldwin, na naging head coach ng dalawang national team.

“The team is adapting well to the system of coach (Bong) Ravena and team consultant Mark Dickel,” ayon kay Cui. “So coach Tab will be focusing on his coaching chores in Ateneo and his role in SBP (Samahang Basketbol ng Pilipinas).”

Depensa pa ng TNT team manager, matagal na umano nilang plano na tanggalin si Baldwin, bago pa man mangyari ang lockdown dahil sa COVID-19 outbreak, at kinasangkutang kontrobersya ng dating Gilas coach sa PBA.

Matatandaan na pinagmulta si Baldwin ng P75,000 at tatlong laro na suspensyon dahil sa ilang pahayag na hindi nagustuhan ng liga.

Kasama dito ang pagsabi na ‘tactically immature’ ang mga coach sa PBA, maging ang pagpabor umano ng mga referee sa import.

“We decided on this transition way before the lockdown,” giit ni Cui. “We would like to thank coach Tab and wish him well.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?