10

Sep 27, 2020 @ 21:47
By

TNT nagpalit ng moniker

Ang dating KaTropa, magiging Tropang Giga na.

Nagpalit ang TNT ng moniker bago magsimula ang PBA restart sa Clark bubble sa Pampanga.

Makikilala na ang team bilang TNT Tropang Giga sa pagbabalik ng Philippine Cup sa Oct. 11.

Giga, higante sa larangan ng telecommunications na inaasahang madadala rin sa PBA.

“So we don’t just go big, but we always go Giga!” bahagi ng statement ng team nitong Linggo.

Sa pagdating ni Poy Erram, nadagdagan pa ang tibay ng dati nang mainam na starting five ni coach Bong Ravena.

Problema ng 11 team pa kung paano sasabayan sina Erram, Troy Rosario, Bobby Ray Parks, RR Pogoy at Jayson Castro.

Dumating si Erram sa TNT noong February sa trade mula NLEX.

May JJay Alejandrino at Simon Enciso pa sila sa side.

Nagsimula ang prangkisa bilang Mobiline noong 2001, Governors Cup ng taong ‘yun ay naging Talk ‘N Text Phone Pals.

Nagbihis para maging Talk ‘N Text Tropang Texters mula 2008 Fiesta hanggang 2015 at kumontak ng anim na titulo kabilang ang tatlong sunod sa all-Filipino.

Naging TNT ang team pagkatapos, bago nakilalang TNT KaTropa mula 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?