145

Jul 11, 2018 @ 12:03
By

TNT, Meralco todo putak sa officiating

Hindi matanggap ng mga opisyales mula sa Talk ‘N Text KaTropa ang pagluhod sa defending champions San Miguel Beermen sa Game One ng quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup na prinotesta pa ang laban sa nilagdaang scoresheet sa pagtatapos ng laro.

“Under protest,” ‘yan ang katagang isinulat ni TNT team manager Virgil Villavicencio sa scoresheet na naghuhudyat ng disgusto ng kanilang koponan sa nangyaring officiating sa kanilang 121-110 loss sa San Miguel.

Itinuturong dahilan ay ang malaking agwat sa naigawad na free throws, 18 sa TNT kontra sa 40 ng San Miguel.

Nang hingan ng opinyon si TNT coach Nash Racela ukol sa isyu, maikli ang naging sagot nito, “Tanungin mo bakit ganun tawag nila,” matikas na pahayag nito.

Ganyan din ang sentimiyento ni Meralco coach Norman Black sa kanila namang laban sa Ginebra kung saan din sila bumulusok, 88-81.

“I hope we can get better shake from the guys governing the games because today, it was quite frustrating in the end game,” ani Black.

Bigla namang umurong ang buntot ng TNT sa nasabing protesta nang hindi nila ito tinuloy sa pagtatapos ng deadline sa paghahain ng formal complaint. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?