106

Oct 13, 2021 @ 22:08
By

TNT lumapit sa finals

Isang panalo na lang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para umabante sa finals ng 2021 PBA Philippine Cup.

Nitong Miyerkoles, muling tinambakan ng TNT ang San Miguel Beermen sa Game 5 ng kanilang semifinal series, 110-90, na ginanap sa Bacolor, Pampanga.

Trumabaho si Jayson Castro para sa Tropang Giga sa itinalang 19 puntos, tatlong rebound at walong assist.

May pagkakataon nang tapusin ng TNT ang semis sa muli nilang paghaharap ng SMB sa Game 6 sa Biyernes ng alas-3 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?