26

Oct 10, 2021 @ 17:48

TNT lamog sa San Miguel, serye tabla

Nagliyab ang San Miguel Beermen sa unang pagkakataon sa serye at tinambakan ang TNT Tropang Giga, 116-90, sa game four ng semifinals ngayong Linggo.

Simula first quarter ay dinomina na ng Beermen ang laro at lumamang ng 26-14, at mula rito’y ‘di na lumingon pa.

Tabla ngayon ang best-of-seven series sa 2-2.

Pinalaki ng San Miguel sa 57-32 ang lamang sa halftime at 81-44 sa third quarter.

Bumida sa panalo ng Beermen si Mo Tautuaa na may 25 points habang June Mar Fajardo ay may 13 points at 12 rebounds.

Masama ang timpla ng TNT lalo na si RR Pogoy na may dalawang puntos lamang sa 1-of-10 shooting.

Napilay pa ang pwersa ng TNT sa second quarter sa masamang bagsak ni Poy Erram at hindi na nakabalik pa sa laro. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?