46

Nov 21, 2021 @ 21:06
By

TNT kampeon sa PBA 3X3

Nakopo ng TNT ang kampeonato sa unang leg ng PBA 3X3 matapos padapain ang Meralco, 21-18, sa finals ngayong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nanguna para sa TNT si Jeremiah Gray na kumolekta ng 11 puntos, na sinuportahan nina Samboy de Leon na may apat na puntos at nila Lervin Flores at Almond Vosotros na may tig-tatlong puntos.

Si Vosotros ang nagbaon ng game-clinching free throw.

Iuuwi ng TNT ang premyong P100,000.

Samantala, dinaig naman ng Purefoods ang Platinum Karaoke, 22-16, para sa battle for third.

Ang second leg ng unang kumperensya ng PBA 3X3 ay lalarga sa Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?