108

By

TNT Boys walang takot ‘gibain’ ang Big Dome

Sikat na sikat na nga ang tatlong batang singer na produkto ng Tawag Ng Tanghalan Kids na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Keifer Sanchez.

Hindi man sila big winner sa singing competition, pero nang mag-sama ang tatlong bata sa show ni Vice Ganda at kumanta doon, nalaman nilang may blending ang kanilang mga boses.

Marami ang humanga kaya naman hindi na sila pinaghiwalay at binansagan bilang TNT Boys.

Sinali sila sa second season ng ‘Your Face Sounds Familiar Kids’ as one contestant kung saan sila ang tinanghal na grand winner.

Kada show ng tatlo ay enjoyable at trending sa social media, lalo na ang performance nilang ‘Bang Bang’. Na-impress ang international singer na si Jessie J na nanonood ng YFSF. Sambit nga ni Jessie J mas mahusay pa raw ang TNT Boys nang i-interpret nila ang kanta.

Kamakailan ay na-invite ang tatlo para sa Singapore charity concert titled President Star Charity.

Sobrang saya ng TNT Boys dahil nakakabibinging palakpakan ang natanggap nila sa audience.

Ang Presidente ng Singapore Halimah Yacob ay nasa audience at napabilib siya sa husay at galing ng TNT Boys.

Kuwento ng TNT Boys sa kanilang Facebook na mismong ang Singaporean President pa ang pumunta sa backstage para personal silang pasalamatan at nagpakuha pa ng picture na kasama sila.

Ang President Star Charity ay isang annual event na pinangungunahan ng Singaporean government. Ngayong taon ay nakaipon sila ng halos $8.3 million. Ang nasabing amount daw ang pinakamalaking nalikom sa history ng event.

Sasali rin sa international singing competition ang TNT Boys na gaganapin sa America. Hindi nila sinabi kung anong title ng competition, pero masaya ang tatlo dahil bagong experience para sa kanila ang makipag-compete sa ibang bansa.

Aside sa nasabing competition abroad, busy din ang TNT Boys sa gaganapin nilang major concert sa Araneta Coliseum sa November 30, ang Listen, The Big Shot Concert.

First major concert ito ng tatlo at sa Big Dome pa ginanap kaya todo promote ang tatlo para raw mapuno nila ang Araneta.

Aminado ang TNT Boys na kinakabahan sila sa first major concert.

Special guest ng tatlo sina K Brosas, Jed Madela at mga kasamahan sa YFSF Kids na sina Chunsa Jung, Esang de Torres, Krystal Brimmer, Noel Comia Jr., Onyok Pineda, Sheena Belarmino at Xia Vigor.

Sisiguraduhin nina Francis, Mackie at Keifer na ibang klase ng biritan ang mapapanood sa kanilang upcoming concert. Mayayanig daw ang audience kapag sila ay kumanta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?