17
TNC Predator, PH SEA Games team, salang sa Dota 2 Major
By

TNC Predator, PH SEA Games team, salang sa Dota 2 Major

Nakasungkit ng spot ang dalawang eSports team ng Pilipinas sa parating na MDL Chengdu Major.

Nakuha ng TNC Predator at 2019 Southeast Asian Games representative na Team Adroit ang spot sa unang Major Championship ng Dota Pro Circuit (DPC) sa 2019-20 season.

Kasama ng TNC at Adroit ang Fnatic, na isa ring SEA contender para sa nasabing torneo.

Nagkaharap ang TNC at Adroit sa semifinals ng qualifiers, kung saan wagi ang huli bago bumalikwas ng reverse sweep ang tropa ng The International 2019.

Ang TNC ay dumanas ng roster change matapos umalis sina Carlo ‘Kuku’ Palad at Nico ‘eyyou’ Barcelon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?