131

Nov 22, 2021 @ 14:19
By

TJ Valderrama tinawag na manyak ng netizen

Hindi mapigilan ng ilang netizen ang magalit sa pagiging “extra touchy” ni PPB housemate TJ Valderrama sa kapwa housemate na si Shanaia Gomez.

Ilang video ang kumakalat sa Twitter kung saan makikita si TJ na nakayakap o nakahawak sa bewang ni Shanaia.

Sa isang video, mapapanood na niyakap ni TJ sa likuran si Shanaia habang nagtotoothbrush ito.

Sa isa namang video, habang nag-uusap ang mga housemate, hinila nito palapit si Shanaia atsaka yumakap sa bandang baywang nito.

Hindi naman malinaw kung anong reaksyon ni Shanaia sa mga insidenteng ito, ngunit iginiit ng mga netizen na halatang hindi kumportable ang dalaga sa mga kinikilos ni TJ.

Tinawag pa ng mga ito na manyak si TJ at sinabing hindi normal ang pagiging malapit nito sa dalaga.

Kinalampag ng mga concern kay Shanaia ang PBB at ipina-trend sa Twitter ang #FORCEEVICTTJ. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?