51

Nov 28, 2021 @ 22:34
By

TJ Valderrama nominado sa PBB House

Kasama sa ikalimang set ng mga nominado sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 ang kontrobersyal housemate na si TJ Valderrama.

Gayunman, hindi ang isyung ibinabato laban kay TJ ang dahilan sa pagka-nominado niya.

Sa natanggap niyang pitong puntos para maging nominado, ang mga dahilan ng mga bumoto sa kanya ay ang pambabara, laging nakikisawsaw, pagiging superior, at pagpili sa mga taong gusto pakisamahan.

Wala ring nabanggit ang mga nag-nomina sa kanya patungkol sa isyu ng sexual harassment na matatandaang naging matunog sa outside world.

Bukod dito, hindi rin kasama si Shanaia Gomez sa mga nag-nomina sa kanya.

Matatandaang ipinaliwanag na rin ng pamunuan ng PBB na walang nagaganap na sexual harassment sa pagitan ng mga housemate.

Kasama ni TJ sa mga nominado sina Karen, Alexa at Samantha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?