161

Dec 5, 2021 @ 22:15
By

TJ, Karen napalabas na ng PBB House

Sina TJ Valderrama at Karen Bordador ang mga huling napalabas ng Bahay ni Kuya sa double eviction night ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 ngayong Linggo.

Nakakuha si Karen ng 16.42% na votes to save, samantalang -3.05% lamang ang nakuhang boto ni TJ.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pamamalagi ni TJ sa Bahay ni Kuya dahil sa pagiging sobrang malambing umano nito sa ilang babaeng housemate, na pinuna ng maraming netizen.

Naging emosyonal naman ang pamamaalam ng dalawa sa kanilang mga kapwa housemate.

Samantala, ligtas naman dahil sa mas maraming boto sina Alexa Ilacad at Samantha Bernardo.

Nanguna si Alexa sa botohan sa 36.95% habang 28.03% naman ang nakuha ni Samantha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?