1,083
watching-sex-scandal
By

Tiyuhing nagkakalat ng sex video ng pamangkin, huli ng NBI

Timbog sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na sangkot sa pagbebenta ng mga malalaswang video at larawan ng mga bata na ibinebenta online sa mga banyaga.

Arestado ang suspek na kinilalang si alyas Nestor matapos magbenta ng mga video ng mga batang edad walo at 11-taong ulang sa undercover agent ng NBI sa Taguig City.

Ayon kay Atty. Janet Francisco, hepe ng Anti-Human Trafficking Division ng NBI, nadiskubreng tiyuhin pa pala ng mga biktima ang suspek na si Alyas Nestor.

Sinasabing kasabwat ang suspek ng sindikatong nag-ooperate sa Taguig at ito rin ang suspek na nagbenta ng child pornographic materials sa isang Dutch National na nauna nang natimbog ng mga awtoridad.

Nailigtas naman sa operasyon ng NBI ang mga batang biktima na nasa kostodiya na ngayon ng DSWD.

Isinalang na sa inquest proceedings sa DOJ ang naarestong suspek para sa kasong paglabag sa RA. 9775 o Child Pornography Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?