67

Dec 5, 2017 @ 8:58
By

Tiyuhin, kulong sa papatay sa pamangkin

Hinatulan ng 14-taong pagkabilanggo ang jeepney operator na si Rodrigo de Leon Cruz matapos mapatunayang nagkasala sa kasong pagpaslang sa kanyang sariling pamangkin noong 2002.

Bukod dito ay iniutos din ni Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) branch 81 Judge Madonna Echiverri na bayaran ng halagang P75,000 bilang indemnity pay, P50,000 moral damages at P75,000 bilang temperate damages bilang danyos sa mga naulila ng biktimang si Alexander dela Cruz.

Batay re rekord ng korte, Oktubre 11, 2002 nang saksakin hanggang sa mapatay ni Rodrigo Cruz ang pamangkin na si Alexander dela Cruz, gamit ang kutsilyo.

Ang dahilan ng pagpatay ay nang sadyang iwan ng akusado na nakabukas ang gripo nito na nasa ikalawang palapag ng apartment para mabasa ang electrical wire at bahain ang loob ng bahay ng biktima na nasa unang palapag ng apartment noong October 10.

Kinabukasan, Oktubre 11 ng umaga ay nagkasalubong ang magtiyuhin at sinita ng biktima ang ginawa ni Rodrigo, subalit sa halip na humingi nang paumanhin ay armado na ito ng kutsilyo at sinaksak ang pamangkin.

Tumakas ang akusado at nahuli noong December 2015 ng mga awtoridad sa Bulacan. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?