93

Dec 12, 2017 @ 17:47
By

Tiyak na mai-impeach si Sereno – Alvarez

Ipinahiwatig ni Speaker Pantaleon Alvarez na tiyak nang mai-impeach sa Kamara si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Para kay Alvarez, base sa takbo ng impeachment hearing ng House justice committee, sobra-sobra ang probable cause sa impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon.

Mabigat anya ang testimonya ng mga mahistrado at opisyal ng Korte Suprema laban kay Sereno na hindi nakokontra ng punong mahistrado dahil sa hindi nito pagharap.

“Alam mo sa tingin ko, yung mga pumunta rito at nag-testigo talaga, nagsabi under oath, may presumption talaga ng credibility dahil hindi takot humarap e,” sabi ni Alvarez.

“Hindi kagaya ni Chief Justice na takot siya humarap. So ibig sabihin, she is afraid to confront the truth,” dagdag ng Speaker.

Bagama’t ayaw pangunahan ang komite.. inaasahan ni Alvarez na matatapos ang impeachment hearing sa Enero at mai-aakyat ang articles of impeachment Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?