40

Jun 10, 2020 @ 10:10
By

Tiyahin suspek sa pagpapatiwakal ng pamangkin

Iniimbestigahan ngayon ang tiyahin ng isang pitong taon gulang na batang lalaki na nagsabing nagpakamatay ang bata sa pamamagitan ng pagbigti, ayon sa Baguio City Police Office (BCPO).

Ayon kay BCPO director P/Col. Allen Rae Co, ang biktima ay itinago sa pangalan na “Budoy” na natagpuan na may mga pasa sa kanyang braso, hita, likod ng kanyang katawan at sa leeg at siya ay nasa pangangalaga ng kanyang tiyahin dahil ang kanyang nanay ay nasa abroad na nagtratrabaho bilang OFW.

Ayon sa salaysay ng tiyahin ng bata na nakilala lamang sa pangalang “Agnes” (hindi totoong pangalan), ang bata ay nagpakamatay.

“Nung hawakan ko po siya at gisingin ko, ‘yun po bigla kong nakita ‘yung tali na nakatali sa leeg niya. Tapos ‘yun po nagmadali po akong tinanggal ko, tapos nagsisigaw ako,” ani Agnes, na siya ngayon ay suspek sa pagkamatay ng Budoy.

Sinabi ni Co, hindi magtugma ang dahilan ni Agnes at sinabing ito ay “very suspicious”.

“Paano po magagawa nung bata ‘yun? And ‘yun pong pangyayari ay nasa mababang parte ng bintana, tinali ‘yung scarf na malambot po, ‘yung knitted scarf, na-istretch po ito,” ani Co. “Nadatnan po nila ‘yung bata na naka-upo, na nag-bigti. So this does not drive at hindi po, it’s almost an impossibility to hang yourself in this way,” ani Co.

Mariing itinanggi ng tiyahin ang aligasyon at sinabing, “Hindi ko po kayang gawin po ‘yan. Itinuring ko na po siyang parang anka ko po kaya hinid ko po kayang gawin ‘yun sa kanya.”

Sa autopsy report, ayon kay Co, si Budoy ay namatay sa “asphyxia” o suffocation sa pamamagitan ng pagsakat at mayroon ding nakita ang mga otoridad na ang biktima na mayroong pagmamaltrato.

“We conducted further ‘yung investigation natin at lumabas nga na merong history of abuse dito. We have witnesses to, ano, na susumpa na ito po’y nakikita nilang inaabuso itong bata,” salaysay ni Co.

Sinubukan din ng tiyahin na dalhin ay katawan ni Budoy sa Ifugao para hindi sumailalim sa autopsy ngunit napigilan siya ng mga otoridad.

“Pilit po nilang itinatago ‘yung nangyari sa kaawa-awang batang ito. Wala rin po silang travel authority during the time na pumunta sila sa Ifugao,” saad ng hepe ng pulis.

Ang suspek ngayon ay naka-quarantine at siya (Agnes) at ang kanyang mister ay nahaharap sa mga kasong murder, paglabag sa special protection of children against abuse, exploitation, at discrimination act, obstruction of justice, at paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?