41

Tiyaga ni Nabor nasuklian

Mahalaga kay NU playmaker Jasmine Nabor ang championship, masaya siya dahil sa panalo ng Lady Bulldogs sa katatapos na Premier Volleyball League Collegiate Conference.

Noong Sabado, winalis ng Lady Bulldogs ang FEU pagkatapos ng 25-22, 25-19, 19-25, 25-16 Game 2 win sa best-of-three finals sa FilOil Flying V Centre.

Naungusan si Nabor ni Rhea Ramirez ng Arellano sa Best Setter honors.

“OK lang na hindi ako ang Best Setter,” ani Nabor. “Paulit-ulit ko pong sinasabi na OK lang po na walang individual award basta makuha po namin itong championship ulit.”

Nakawala ang Setter, pero ikinahon naman ni Nabor ang Finals MVP award. Ang teammate na si Jaja Santiago ang conference MVP.

Naging madali kina hitters Santiago, Jorelle Singh at Aiko Urdas ang umiskor sa spikes dahil sa 45 excellent sets ni Nabor.

“Masaya ako sa pagkakapanalo ko ng Finals MVP kasi lahat po ng pinaghihirapan ko every training parang lahat ng pinapakinggan ko sa mga teammates ko and sa coaches ko parang may kapalit,” emosyonal na pahayag ni Nabor tapos tawagin ang pangalan para sa Finals MVP. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?