Leni-Robredo
By

Tiwala sa hustisya, delikado – VP Leni

Sharing is caring!

Nangangamba si Vice President Leni Robredo sa posibleng maging epekto ng pagkaka-absuwelto ng Department of Justice (DOJ) kay self-confessd drug lord Kerwin Espinosa at suspected drug lord Peter Lim.

Sinabi ni Robredo na maaring mawala ang tiwala ng mga Filipino sa sistema ng hustisya sa bansa dahil sa pangyayari.

Giit nito lubhang nakakadismaya ang desisyon ng DOJ panel.

Aniya umamin naman si Espinosa sa pagkakasangkot sa operasyon ng droga, samantalang si Lim ay ilang ulit pang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa mga kilalang drug lords sa bansa.

Inabsuwelto ang dalawa dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Una nang tumestigo si Espinosa sa diumanoy pagkakasangkot ni detained Sen. Leila de Lima sa operasyon ng droga sa loob ng National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?