33

By ,

Tiwala ni Caloy, sinuklian ni Mocon

Kung hindi dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Rain or Shine coach Caloy Garcia, hindi ‘makakalipad’ ang rookie na si Javee Mocon.

Tumapos ng game-high 15 points si Mocon kasahog ang 10 rebounds para tulungan ang Elasto Painters sa 84-77 Game 1 triumph kontra Magnolia Hotshots sa kanilang best-of-seven semifinals Biyernes.

“All thanks to him (Garcia), kasi he gave me that confidence. Throughout the eliminations, pinapasok niya ako and doon nag-build yung confidence ko,” sabi ni Mocon sa artikulong inilabas ng Spin.ph “At siyempre sa help din ng mga veterans.”

Para kay Mocon, naging malaking bahagi rin ng kanyang magandang pinapakita sa professional league, ang mga karanasan niya sa NCAA – lalo na pagdating sa pisikalan.

At sa dating collegiate team niya na San Beda Red Lions ay doon aniya siya nahinog nang husto at naihanda siya nito sa mga ganitong klaseng laro.

Nito lang ay binati ni Garcia si Mocon sa magandang laro nito sabay sabi na parang hindi rookie ang pinakita nito.

“I think when we were watching him before at San Beda, he was one of the biggest keys to their championship. Kasi kung titignan mo yung championship nila, basically it was him and (Robert) Bolick who brought the team,” wika ni Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?