1,709

By

Tiwala ng mga Pinoy kay Duterte, bumagsak

Sharing is caring!

Natapyasan ng walong puntos ang net trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte bago mangalahati ang taon base sa resulta ng survey ng Social Weather Station.

Ngunit sa kabila nang pagbaba sa +57 net trust rating ni Duterte nanatili itong ‘very good.’

Sa survey na isinagawa ng June 27 hanggang June 30 at may 1,200 respondent, 70 porsiyento ang nagsabi na may tiwala sila sa Punong Ehekutibo at 13 porsiyento naman ang sumagot na maliit lang ang kanilang tiwala.

May 18 porsiyento naman ang ‘undecided’ o walang sagot.

Sa unang tatlong buwan ng taon, +65 ang nakuhang trust rating ni Duterte.

Nakapagsagawa na ng walong survey ang SWS para masukat ang pagtitiwala ng mga Filipino kay Duterte at ang average nito ay very good na +69.

Ang kabawasan sa puntos ay bunga ng mababang rating na nakuha ni Duterte sa Visayas at Metro Manila.

Malaking pagbaba ang naitala sa Visayas na 21 puntos, samantalang 20 puntos naman sa Metro Manila.

Samantala, nanatiling ‘excellent’ ang net trust rating ni Duterte sa Mindanao at very good naman sa Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?