136

Tiu, Viray twins, Chef’s Classic Lady Red Warriors palaban

Isa sa mga newcomer ng liga ang Chef’s Classic Lady Red Warriors na magpapakitang-gilas para sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference.

Halos mga former at current collegiate standouts ang mga player na bumubuo sa Chef’s Classic kaya asahan na iba ang ipapakitang laro ng mga ito.

Bagito man sa liga, kayang-kaya naman makipagsabayan ng mga ito laban sa mga beteranong koponan.

Sa pamumuno ni DLSU Justine Tiu at San Beda’s Viray twins, hindi magpapahuli ang mga ito sa bawat laban na kanilang haharapin.

Unang makakalaban ng Chef’s Classic Lady Red Warriors ang Motolite sa darating na Agosto 17, Sabado. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?