29

Oct 2, 2019 @ 12:36
By

Tiu, Chefs sisilaban ang PetroGazz

Tiyak na gigil na aararuhin ni Justine Tiu ang PetroGazz upang hiritan ng isang panalo ang Chef’s Classic na hanggang ngayon ay nanatili pa ring 13 malas sa 13 matches sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims.

Malamang, yayanigin ni Tiu ang The Arena sa San Juan City sa pakikipagbuno ng Red Lady Spikers sa 2nd-running Angels (7-2) mamayang ganap na alas-4 ng hapon, Okt. 2.

Sasandalan rin ng Lady Red Spikers (0-13) si Nieza Viray na uhaw sa panalo tapos kapusin ang ginawang 19 points niya sa last game.

Pipilitin naman nina Jeanette Panaga at Jovie Prado na ipagpatuloy pa ang 6 na sunod na arangkada, nakapalo ang dalawa ng tig-12 puntos sa pagbangkarote sa BanKo upang masolo ang nasabing kalagayan sa midseason women’s volleyfest.

Salpukan rin ang nasa pampitong Choco Mucho (5-6) at tumeterserang Motolite (7-4) para sa unang laro sa alas-2 ng hapon sa double header.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?