998

By

Titser binaril ng karelasyong sundalo bago nagpakamatay

Sharing is caring!

Patay ang guro ng Tambobong Elementary School sa Bocaue, Bulacan matapos barilin ng umano’y karelasyong sundalo na agad ding nagpatiwakal.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni Police Senior Superintendent Chito Bersaluna, director ng Bulacan Provincial Office, binaril ng sundalo ang guro habang nasa loob ng silid-aralan kaninang umaga.

Natagpuan umano sa mesa ng guro ang sulat na nagsasabing kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa kanilang dalawa.

Hindi pa tiyak kung may mga estudyanteng nakakita sa insidente.

Sa inisyal na ulat, hiwalay ang guro sa kaniyang mister.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?