1,621

Nov 29, 2019 @ 12:22
By

‘Tisoy’ posibleng maging supertyphoon

Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa bagyong tatama sa bansa ngayong weekend.

Ayon sa Pagasa, posibleng maging supertyphoon ang Typhoon Kammuri, na kapag pumasok sa Philippine area of responsibility ay tatawaging bagyong Tisoy.

Inaasahan ang pagpasok ng bagyo sa Pilipinas sa Sabado o Linggo.

Pinapangambahan na ang patuloy na malakas na pagbuhos ng ilan sa rehiyon ng Central Luzon, Metro Manila, Bicol region, Calabarzon at mga lugar sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Samar sa Martes at Miyerkoles ng susunod na linggo.

Isa pa sa pinababantayan ng NDRRMC ang posibleng flashflood sa Ilocos, Central Luzon at Region IV A at B.

Inaasahan na magiging kasing lakas ng bagyong Tisoy ang Glenda noong 2014 na kumitil ng 106 buhay, maging ang Reming noong 2006 kung saan nag-iwan ng 734 patay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?