31

Apr 21, 2021 @ 22:59
By

Tirso Cruz III binakunahan na kontra COVID

Tinurukan na ng unang dose ng bakuna laban sa coronavirus disease si Tirso Cruz III.

Sa Instagram post binalita ito ng 69-anyos na aktor kasabay ng pag-alala sa panganay niyang si TJ, na pumanaw dahil sa cancer noong 2018.

“GODly heavenly morning TJ! It has been 29 months since you’ve been gone. Missing you so much. By the way, I got my 1st dose of vaccine last Saturday,” sey ni Tirso.

Ilan pa sa celebrities na nabakunahan ng unang dose ng vaccine sina Gloria Diaz, Willie Revillame at Coney Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?