26

By

Tirador ng motorsiklo tumimbuwang sa Cavite shootout

Sharing is caring!

Namatay sa engkuwentro sa mga pulis ang isang magnanakaw sa bayan ng Tanza sa Cavite nitong Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Allan Collado, residente ng Barangay Tiga sa Tanza.

Ayon sa report ng Cavite Police Office, nangyari ang insidente sa Barangay Bagtas alas-3:30 ng madaling-araw.

Humingi umano ng tulong ang biktima na kinilala lang na si Glen sa nagpapatrolyang mga pulis dahil ninakaw umano ang kanyang motorsiklo ng mga suspek na tinutukan siya ng baril.

Agad nagkasa ang mga awtoridad ng operasyon laban sa mga suspek na kinilala batay sa deskripsiyon ng biktima.

Matapos nito ay naispatan ang ninakaw na motorsiklo sa Bagtas pero nang pahintuin ay nagpaputok na ang mga suspek.

Gumanti ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan si Collado at namatay habang dinadala sa Aguinaldo Hospital sa Trece Martires City.

Nakatakas naman ang kasabwat ng suspek na ‘di batid ang pagkakakilanlan.

Narekober ng pulisya ang isang kalibre.38 na baril at ang ninakaw na motorsiklo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?