26
dead-man

Tirador ng motorsiklo, todas sa Batangas shootout

Sharing is caring!

Nanlaban ang isang hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo kaya’t nagkaroon ng engkuwentro sa mga pulis at napatay nitong Martes ng madaling-araw sa Lian, Batangas.

Ayon sa ulat, kinilala ang nasawi na si Loreto Viscera na nagpaputok sa mga pulis matapos maramdaman na awtoridad ang kanyang katransaksiyon.

Nakuha mula sa kanya ang nakaw na motorsiklong balak umano nitong ibenta, isang kalibre .38 na baril, at isang sachet ng umano’y shabu.

Nakatanggap umano ang Highway Patrol Group ng impormasyon ukol sa bentahan ng nakaw na motorsiklo kung saan patuloy pang tinutugis ang kasama ng suspek na nakatakas sa habulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }