60
Motor
Feb 24, 2018 @ 10:04
By

Tirador ng motorsiklo, huli sa Bulacan

Isang motornapper ang nadakip ng San Jose del Monte(SJDM) City police makaraang tangayin ang isang nakaparadang motorsiklo sa loob ng isang subdivision bago nakorner sa hot pursuit operation ng pulisya sa Barangay Fatima V, SJDM City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang naarestong si John Michael Orlasa y Pitalbo, 19, ng Barangay Graceville, SJDM City, na nahaharap ngayon sa kasong carnapping matapos tangayin ang motorsiklong Suzuki na pag-aari ni Francisco Garcia, residente ng Grand Cypress Subdivision, Barangay Tungkong Mangga ng nasabing lungsod.

Bandang alas-3:45 ng madaling-araw nang madiskubre ng biktima na nawawala ang kanyang motorsiklo habang naka-park sa loob ng naturang subdivision kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa security guards at sa PNP na mabilis na nagsagawa ng operasyon.

Hindi na nakaporma ang suspek na si Orlasa nang makorner habang lulan ng ninakaw na motorsiklo at patuloy pang inaalam kung may kinalaman ang nasakoteng suspek sa serye ng pagnanakaw ng motorsiklo sa nasabing lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?