10
cctv-cam
By

Tirador ng bisikleta timbog sa CCTV

Sharing is caring!

Huli ang isang lalaki matapos makuhanan sa CCTV sa Maynila habang ninanakaw ang isang bisikleta.

Nadakip ang suspek na si Joselito Tablan, 33-anyos, nang magkasa ng follow-up operation ang mga pulis.

Inireklamo ang suspek ng may-ari ng bisikleta nang mawala ang kanyang sasakyan habang naka-padlock sa harap ng kanyang bahay.

Nang suriin ang CCTV sa lugar ay nakita ang suspek na tinatangay ang bisikleta na nagkakahalaga ng P12,000.

Hindi na nagawa pang makatanggi ng suspek nang makita sa kanya ang ninakaw na bisikleta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,