41

Apr 3, 2021 @ 21:01
By

Tirador ng bisikleta sa Cebu natisod

Laglag sa kamay ng pulisya ang isang notoryosong magnanakaw ng bisikleta sa Pardo, Cebu.

Ayon sa Philippine National Police, agad kumilos ang Talisay City Police matapos makatanggap ng reklamo mula sa residente tungkol sa ninakaw na kanyang bisikleta noong Biyernes Santos.

Nakita sa CCTV footage habang ninanakaw ni Osbaldo Cabase alyas Junjun, 42, ang bisikleta ni Nicole John Esguerra, 19.

Natunton ang suspek sa kanyang bahay sa Pardo.

14 bisikleta na umano’y ninakaw ni Esguerra ang narekober habang nakumpiskahan din siya ng dalawang sachet na naglalaman ng shabu.

Nakakulong na si Cabase sa Talisay City Police Station.

PNP NABS NOTORIOUS BICYCLE THIEF; SHABU, 14 BIKES RECOVERED

PNP Chief Police General Debold M Sinas commended the…

Posted by Philippine National Police on Friday, April 2, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?