By

Tirador ng alak at tsokolate sa convenience store, timbog

Sharing is caring!

Dahil sa pagnanakaw ng alak at tsokolate, isang dating tindero ng gulay ang naka-kulong ngayon sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Sampalok Police, ang suspek na kinilalang si Luisito Santos na residente ng Dasmariñas, Cavite ay inireklamo ng pagnanakaw ng 3 bote ng alak at 6 na chocolate bar sa isang convenience store sa kanto ng G. Tuazon.

Ayon sa mga sales clerk ng tindahan, una silang ninakawan ng suspek ng pagkain kaya nang bumalik ito ay agad nila itong nakilala.

Inaresto ng mga clerk ang suspek at ipinaubaya sa mga rumespondeng pulis mula sa Sampaloc Station.

Paliwanag ng suspek, ibinebenta niya ang mga ninanakaw na mga produkto para may pambili siya ng gatas ng anak at para maka-ipon ng pondong pang-negosyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?