709

Dec 4, 2017 @ 12:18
By

Tips para iwas stress sa pamimili ngayong Pasko

Hindi na kailangang mag-panic kung wala ka pang nabibili o walang time na mamili ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Narito ang ilang tips upang hindi mangarag sa pamimili ng pamasko para sa mga minamahal.

Gumawa ng listahan — Mabuti na ang may listahan ng mga taong pagbibigyan upang walang makalimutan. Batay sa research, kapag aligaga ang isang buyer sa loob ng mall o tiangge ay nai-stress siya dahil posibleng walang listahan at nag-iisip kung sino pa ang hindi nabibilhan. Kaya naman, iwasan ang stress and make some shopping.

Maghanap ng sulit at murang items — Hindi naman masama kung mumurahin ang maireregalo basta naman nasa puso at maayos naman ang nabiling cheap items. May kasabihan nga tayo na Christmas is giving and sharing.

Click & Collect — Kung wala naman talagang time ay mag- click and collect services mula sa online deliveries. Basta tiwala ka lang sa store mo.

Local collection — Kung nais mo naman ng imported na klase ngunit kulang sa budget, mainam na maghanap na lamang ng local collections. Mura na at swak pa sa taste mo.

Bring bags on shopping — Magdala ng malalaking bags upang hindi mahirapan sa pagbitbit ng sari-saring plastic bags o paper bags mula sa iba’t ibang stores na naiikot.

Loyalty points — Karamihan ng malls ay may loyalty points tulad sa SM na may advantage cards. May gamit din po ang cards na ito para sa susunod na pamimili.

Sale! Sale! — Maraming ‘Sale’ ngayong panahon ng Kapaskuhan. Mabuting puntahan at mamili doon kung nais na makatipid at marami ka pang choices.

Ingat sa mandurukot! — Iba na po ang panahon ngayon kaya naman ibayong pag-iingat ang hatid namin para sa inyo. Tandaan na kahit nakaporma o disente pa ang suot, sila po ay nagpapanggap lamang pero mga snatcher o mandurukot sila. Basta ingat na lamang sa pamimili. Happy Christmas shopping! (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?