37

Dec 27, 2020 @ 16:49
By

Tippy Dos Santos engaged na!

ENGAGED NA si Tippy Dos Santos sa nobyo niyang si Miguel Porcuna.

Kinumpirma ito ng singer sa kaniyang Instgram post noong Biyernes, Disyembre 25.

Kitang-kita sa larawan ang ka-sweetan ng dalawa at kapansin-pansin din ang singsing ng singer.

Nagpasalamat si Dos Santos sa lahat ng bumati sa kanya.

Tatlong taon na sila ni Porcuna na nakilala niya sa pamamagitan ng kanyang pinsan.

Matatandaang pumatok ang kanta niyang ‘Dati’ kasama si Sam Cocnepiom taong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?