207

Oct 15, 2018 @ 10:55
By

Tio nagpakitang-gilas sa pagkawala ni Nieto

Sa pagkawala ng starter ng Ateneo na si Matt Nieto, sinamantala ito ng back-up guard na si Tyler Tio para hindi indahin ng Blue Eagles ang nabaliang roster.

“Luckily for us, guys stepped up just like Tyler [Tio]. Ang laking tulong niya lalo nang nawala si Matt,” saad ni Thirdy Ravena sa mga reporter.

Nag-ambag si Tio ng 12 puntos at limang assists, na naging pinakamagandang performance na niya ngayong season sa laban kontra UP.

“We have a philosophy in the team na ‘next man up’ so when Matt went down, obviously, we were hurt because he’s one of our better players, one of our leaders,” pakli ni Tio.

Naging maganda rin umano ang sinabi sa kanya ng mga coach at kanyang mga teammate.

“So the captains and the coaches talked to us point guards and told us we really need to step up,” dagdag niya.

Hindi naman sinarili ni Tio ang credit, at ibinigay din kina Jolo Mendoza, SJ Belangel at Adrian Wong ang ilan sa mga dahilan ng pagkapanalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?