222

Jan 29, 2021 @ 15:11
By

Tinotorotot si Vice Ganda? Ion pumalag na!

Binira ni Ion Perez ang mga namba-bash sa relasyon nila ni Vice Ganda at nagsasabing lolokohin lamang niya ang comedienne.

Sa Instagram ipinahayag ni Perez ang nararamdaman at sinabing hindi niya pagtataksilan si Vice dahil mismong sa nanay ng comedienne niya sinabi ang nararamdaman sa kanyang partner.

“Bago niyo isipin at sabihin na lolokohin ko to! Isipan niyo muna na may isang NANAY ROSARIO akong sinabihan na MAHAL NA MAHAL KO ang ANAK niyang si TUTOY! Daming EBAS! VAKLANG TWOO! O LOKO,” sabi ni Ion sa post.

https://www.instagram.com/p/CKgaN_5j8ir/

Bago ang isyung pangangaliwa, dinaing ni Perez sa Jan. 20 YouTube vlog ni Vice na marami siyang natatanggap na masasakit na salita tungkol sa relasyon nila ng comedienne, ang pinakatagos daw sa damdamin ay nang akusahan ang nanay niyang “mukhang pera”.

“‘Yung sinabihan din ‘yung nanay ko na mukhang pera, ‘yun ang pinakamasakit sa akin. Sa akin, okay lang, tanggap ko ‘yon. Pero ‘yung sa nanay ko, parang, nakasama ko ‘yon, alam ko ang ugali noon, nakasama ko sa hirap, hindi naman ganun ‘yon,” kuwento ni Ion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?