30,896

By

Tinotoo ang banta: Pinay na nireklamo ng Kano kay Raffy Tulfo, nagpakamatay

Nagbigti ang isang Pinay matapos itong ireklamo ng isang Amerikano nang panghuhuthot ng P25-million sa ‘Raffy Tulfo in Action’.

Nitong Biyernes, Nobyembre 14, ay kinumpirma ni Raffy Tulfo ang pagpapatiwakal ni Adora Ramos, na nireklamo ni RJ Russell dahil sa umano’y pagkuha ng kanyang pera.

Sa video na ‘KANO NA NAGREKLAMO LABAN SA REYNA NG MGA GOLD DIGGER, NABIGHANI SA GANDA NG ISANG STAFF NI IDOL!’, nagbanta si Adora na magpapakamatay alas-4 ng hapon na naka-livestream sa social media at binalaan ni Tulfo na huwag itong ituloy.

Sinubukan nilang makausap si Adora ngunit hindi ito magising ng kanyang mga kaanak, at dito sinabi ni RJ na madalas itong uminom ng sleeping pills para mawalan ng malay.

Pinabantayan ni Tulfo si Adora sa kanyang mga kamag-anak para hindi ituloy ang pagpapakamatay, at base sa doktor nito ay uminom ito ng 100 pills ng anti-histamine para mamatay.

Kinumpirma ng barangay chairman ng Caba, La Union na nakita nilang nakabigti si Adora sa loob ng comfort room sa kanilang bahay, bandang alas-4 ng madaling-araw umano nagpatiwakal si Adora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?