109

Jul 23, 2018 @ 11:18
By

Tinio, itutulak ng Makabayan bloc bilang Speaker

Inonomina ng Makabayan bloc si ACT-Teachers Rep. Antonio Tinio bilang susunod na Speaker sakaling patalsikin si Speaker Pantaleon Alvarez.

Kinumpirma ito ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ilang oras bago ang pagbubukas ng ikatlo at huling sesyon ng 17th Congress ngayong Lunes.

Si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang umuugong na ipapalit kay Alvarez dahil umano sa pagtutulak ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito umano ay dahil tinanggihan na ni Arroyo ang ika-apat na pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?