8

Nov 18, 2020 @ 16:32

TINGNAN: Social distancing ligwak sa pamamahagi ng relief goods sa Rodriguez, Rizal #UlyssesPH #RizalNeedsHelp

Malaki ang pasasalamat ng mga residente ng Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal sa ayudang bumubuhos galing sa iba’t ibang mga lugar matapos silang masalanta ng bagyong Ulysses. Gayunman, tila nagkalimutan na ang mga residente doon sa tamang social distancing at maging pagsuot ng face shields sa pila sa ayuda. Makikita pang nagsisiksikan ang mga residente habang nakatingin lang ang mga barangay tanod.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?