85

Jan 5, 2022 @ 15:42
By

TINGNAN: Reaksyon ng ilang peymus netizen kay ‘Poblacion girl’

Nitong mga huling araw ay laman ng halos lahat ng social media meme ang tinaguriang Poblacion girl na imbis na maglagi sa hotel para sa mandatory quarantine ay naki-party at nanghawa pa ng COVID-19.

Laman ng bawat meme at post ang galit at inis kay Gwyneth Anne Chua, kaya’t ilang araw din itong trending sa Twitter.

Kaya naman, ang ilan sa mga sikat na personalidad ay hindi rin nakapag-timpi at naglabas ng kanilang saloobin tungkol kay Poblacion girl.

“She showed her face all over Poblacion when she skipped quarantine to go party. When am I gonna see her face all over the internet? C’mon, I’m curious. And walang hiya naman si girl so I don’t think she’d mind. She put so many lives in danger, what’s a little internet fame?” saad sa post ng voice over artist na si Inka Magnaye.

Si Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez naman, sinabing walang pinagkaiba kay Chua ang mga politiko na nangangampanya at walang pakialam sa siksikan ng tao.

“Aspirants who stage rallies and encourage crowding by their supporters are just as bad as that Poblacion Girl,” saad ni Jimenez.

Kwela naman ang banat ng Facebook page ni Senyora: ‘First Day of Alert Level 3 sa Metro Manila. Pray for us, Gwyneth. Our Lady of Omicron.”

https://www.facebook.com/nyoraofficial/posts/470781137740340

At ang TikTok sensation na si Bella Poarch, ‘di rin naiwasang ialay ang isang TikTok video para kay Poblacion girl.

https://vt.tiktok.com/ZSe9jFsA7/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?