54

Apr 16, 2020 @ 11:43
By

TINGNAN: Power Rangers, Teletubbies ‘panlaban’ sa COVID-19

Sa kabila ng mga problema ay nagagawa pa rin ng mga Pilipinong dumiskarte, makapagdulot lang ng ngiti sa kapwa.

Ngayong nararanasan ng buong mundo ang COVID-19 crisis ay
pinalalaganap din ang kautusang magsuot ng face mask at personal protective equipment (PPE) upang maiwasan ang pagkahawa mula sa nasabing sakit.

Dahil dito, nagsulputan ang iba’t ibang pakulo ng mga Pinoy sa pagsusuot ng version nila ng PPE.

Bumida nga ang mga super hero at karakter sa mga TV series na nagkalat sa mga palengke upang mamili.

Sa Facebook post ni Paolo Belleza, makikita ang isang lalaking nakasuot ng power ranger costume habang namimili sa supermarket.

Samantala, sa video naman na ipinoste ni Chiklet Dela Cruz Reyes, makikitang nakasuot siya ng costume ng karakter ng sikat na Spanish series na Money Heist.

Noong una umano ay nag-aalangan ang mga nagtitinda na pagbentahan siya.
Nilinaw naman nito na may suot siyang face mask sa ilalim ng Salvador Dali-mask na kanyang suot sa pamamalengke.

Tawang-tawa naman ang netizen na si Jean gani sa aniya’y malakas na trip ng kaniyang asawa nang mamalengke ito habang suot ang Spider-Man costume.

Ayon kay Jean, ‘for fun’ lang umano ang pagsusuot ng kaniyang asawa ng Spider-man costume bilang personal protective gear at nagkataong cosplayer din ang kaniyang mister na si Jon.

Samantala, makukulay na PPE ang ginawa naman ng mga designer mula sa Iloilo na nag-trend din sa social media.

Inintroduce ng designer na si Adrian Pe ang iba’t ibang hazmat suits design na kaniyang ginawa.

Sa kaniyang facebook post ay ipinakilala niya ang kaniyang power ranger suits kalakip ang caption na “WE CAN’T CHANGE THE PAST BUT WE CAN WORK FOR A BETTER FUTURE.”

Mayroon din siyang Star Wars- at Teletubbies-themed hazmat suits na ngayon ay ginagamit sa The Medical City Iloilo.

Isang Iloilo based designer na si Ram Silva naman ang nagdesign ng Money Heist suits na suot ng mga Ilonggo doctor.

Inaalis naman daw nila ang Salvador Dali mask tuwing mag-aasikaso sila ng pasyente.

Black panther-inspired PPE naman ang ibinida ng designer na si Djohn Clement na dinistribute sa mga ospital sa Iloilo.

Samantala hindi rin pahuhuli ang Pink Panther-inspired ppe na ipinost ng healthcare worker na si Carmel Sanchez sa Twitter.

Makikita sa larawan si Carmela suot ang protective suits kasama ang Iloilo Mission Hospital OBGYN team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?