37

Nov 14, 2019 @ 19:51

TINGNAN: PCSO binigay ang P58.1M mandatory contribution sa CHED

Binigay na ngayong Huwebes ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) ang mandatory contribution na may kabuuang halaga na P58,119,628.

Ang mga tumanggap ng tatlong tseke sa ginawang turnover activity sa Zuri Hotel, Mandurriao, Iloilo City ay sina CHED Regional Office VI Director Dr. Maura Consolacion Cristobal at Higher Education Development Fund OIC-Director III, Dr. Mary Sylvette Gunigundo.

Ang mandatory contribution ng PCSO sa CHED ay nakasaad sa Section 10 ng Republic Act 7722 o Higher Education Act na nagsasabing ang “equivalent of one percent (1%) of the gross sales of the lotto operation of PCSO is the government’s contribution to Higher Education Development Fund.”

Bukod sa CHED, magbibigay din ng mandatory contribution ang PCSO sa Philippine Sports Commission, Nutrition Foundation of the Philippines, Philippine Red Cross, Girls Scout of the Philippines, Boy Scout of the Philippines, National Council on Disability Affairs, Dangerous Drugs Board, at Philippine Drug Enforcement Agency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?