181

Mar 24, 2020 @ 18:20
By

TINGNAN: Mga pwedeng pagkaabalahan sa COVID-19 lockdown

Kabisado mo na ba ang bawat sulok ng inyong bahay dahil sa home quarantine dulot ng coronavirus outbreak?

‘Wag mag-alala; naglista ang Abante ng mga makabuluhang aktibidades na pwede ninyong paggugulan ng panahon habang lockdown pa sa Luzon at iba pang lugar sa bansa.

1. Makinig sa mga kwento ng lagim

Para sa mga may Spotify account at gustong makinig ng mga totoong crime at mystery stories, tambay kayo sa “Stories After Dark.” Sabi ni Facebook user Shed Giron, swak ito para sa fans ng “NoSleep” at mga horror podcast.

2. Magbasa ng mga libro

Fan ka ba ni Paulo Coelho?

Libre nang mada-download ang mga libro niya sa mga wikang English, Portugues, at Español.

View this post on Instagram

During the current pandemic, I posted some titles (ebooks) for free on my page I titoli italiani verranno aggiunti domani

A post shared by Writer (@paulocoelho) on

3. Aralin ang kasaysayan

“Libutin ang ilan sa mga museo ng National Historical Commission of the Philippines sa pamamagitan ng libreng panonood ng mga audiovisual presentation nito sa YouTube,” imbita ng NHCP.

4. Tumulong sa mga fundraiser

Bukod sa pananatili sa inyong mga bahay, makatutulong din ang pinansyal na tulong para sa mga komunidad na lubhang apektado ng pandemya. Nilista ‘yan ni Facebook user Pamela Catacutan.


Marami ring mga artista ang naglunsad ng kani-kanilang fundraising.

ALAMIN: Mga artista na tumulong sa COVID-19 crisis

5. Mag-aral tungkol sa iba’t ibang paksa

Pinagsama-sama ng Class Central ang mga libreng online course mula sa iba’t ibang mga Ivy League school sa mundo. Meron ditong mga aralin tungkol sa engineering, data science, humanities, at iba pa!

https://www.classcentral.com/collection/ivy-league-moocs

Kung gusto namang matuto on all things journalism, may mga libreng kurso rin sa Google News Initiative.

https://newsinitiative.withgoogle.com/

Magtatagal ang enhanced community quarantine sa buong Luzon hanggang Abril 12.

Ibig sabihin, may higit dalawang linggo pa tayong matutukso sa TikTok fever mga ka-Abante, kaya kapit lang!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?