100

Sep 26, 2020 @ 16:18
By

TINGNAN: Mga ospital na may murang COVID-19 swab test

Nasa P1,750 hanggang P2,000 umano ang presyo ng coronavirus swab test o real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa 15 ospital.

Nilabas ng Palasyo ngayong araw, Setyembre 22, ang listahan ng mga ospital na may relatibong mas murang RT-PCR test na siyang tinuturing na “gold standard” sa pagtukoy kung nahawa o hindi ang isang tao sa COVID-19.

Ito’y ang mga sumusunod:

– Baguio General Hospital- Baguio City
– Cebu Molecular Laboratory- Cebu City
– Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital- Caloocan City
– Eastern Visayas Regional Medical Center- Tacloban, Leyte
– Jose B. Lingad Memorial General Hospital- San Fernando, Pampanga
– Lung Center of the Philippines- Quezon City
– National Kidney and Transplant Institute- Quezon City
– Perpetual Help Medical Center- Las Piñas City
– Philippine Children’s Medical Center- Quezon City
– St. Paul’s Hospital- Tacloban, Leyte
– Teresita L. Jalandoni Provincial Hospital- Silay City, Negros Occidental
– University of Cebu Medical Center- Mandaue City
– Vicente Sotto Memorial Medical Center- Cebu City
– Western Visayas Medical Center- Iloilo
– Zamboanga City Medical Center- Zamboanga City

Karaniwang mula P4,000 hanggang P10,000 ang alok na halaga ng COVID-19 testing sa maraming pribadong ospital sa bansa na mabilisang makukuha ang resulta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?