30

Sep 11, 2020 @ 13:14
By

TINGNAN: Mga mawawalan ng tubig-Maynilad sa Setyembre 17-19

May limang lugar na makararanas ng water service interruption mula Setyembre 17 hanggang 19, ayon sa Maynilad.

Ito anila ay dahil sa pagsasaayos sa Putatan Water Treatment Plant 1 sa Muntinlupa City, na maaapektuhan ang ilang lugar sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, at Cavite Province.

Asahan anila ang paghina ng pressure o kawalan ng tubig sa loob ng ilang oras mula alas-diyes ng gabi ng Huwebes, Setyembre 17, hanggang alas-siyete ng umaga ng Sabado, Setyembre 19.

“Pansamantalang isasara ng Maynilad ang Putatan Water Treatment Plant 1 sa Muntinlupa City upang magsagawa ng maintenance works at upgrades sa nasabing pasilidad, at ng ilang enhancement activities sa pipe network sa Cavite City,” banggit ng kompanya sa Facebook, Setyembre 10.

“Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption. Naka-standby ang aming water tankers para mag-deliver ng tubig kung kinakailangan.”

“Kapag bumalik na ang supply ng tubig, padaluyin muna nang panandalian hanggang sa luminaw ito. Humihingi kami ng paumanhin sa abalang maidudulot ng nasabing mga aktibidad. Maraming salamat sa inyong pang-unawa,” saad pa ng Maynilad.

 

 

https://www.facebook.com/MayniladWater/photos/a.2384139031892953/2384139451892911/?type=3&theater
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?