116

By

TINGNAN: Mga maagap na nag-file ng COC

Sharing is caring!

MANILA—Nagsimula na ang filling ng certificate of candidacy (COC), at hindi na nga naitago ng mga personalidad na naghahangad na maging kandidato sa May 2019 election ang kanilang laban.

Isa sa mga naging ‘early bird’ ang folk musician na si Freddie Aguilar, at si Daniel Magtira na kung matatandaan ay nagpakilala bilang asawa ni Kris Aquino.

Ito ang unang pagsabak ni Aguilar sa politika, na kilalang tagasuporta ni Pangulong Duterte. Aniya, proteksyon sa mga performer ang isa sa kanyang isusulong kapag naging senador.

“We entertainers have no tenure. Our managers or bosses can remove us anytime. If I win, I want to protect our entertainers,” sabi ni Aguilar

Habang si Daniel Magtira, ay nagpahayag naman ng pagtutok sa pagbuhay sa Pinoy rock band sakaling maluklok sa Senado.

Pangatlong pagtatangka na ito ni Magtira sa paghahain ng COC, ni-reject ng Comission on Elections ang kanyang aplikasyon noong 2013 at 2016 election.

Kabilang din si Dr. Willie Ong, dating consultant ng Department of Health, sa nag-file ng COC.

Pagbibigay ng murang health care lalo na sa mga mahihirap na Filipino ang tututukan naman ni Ong. Mayroong 8.6M follower si Ong sa kanyang FB page na inaasahan niyang makatutulong sa kanyang kampanya.

Kasama din si Senate President Koko Pimentel sa mga naunang naghain ng COC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?