129

Dec 21, 2018 @ 21:23

Tingnan: Mga listahan ng schedule ng bangko sa holiday season

RP

Sa panahon ng Kapaskuhan, ito ang mga operating schedule ng nga bangko.

SECURITY BANK: Sarado sa Disyembre 25, 31 at Enero 1

Ang mga branch sa NAIA ay bukas mula alas-11 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi sa Disyembre 24 at 30.

Ang ilang mga branch ay bukas mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa Disyembre 29.

PHILIPPINE NATIONAL BANK (PNB): Bukas ang ilang mga branch sa Disyembre 22, 23, at 24

BPI: Extended ang operating hours ng mga selected branch mula Disyembre 10 hanggang Enero 3, 2019; ang ilang mga branch ay bukas sa Disyembre 8, 15, 22 at 29.

ROBINSONS BANK: Sarado ang lahat ng branch sa Disyembre 5, 30, at Enero 1; Bukas naman ang selected branch sa Disyembre 31.

RIZAL COMMERCIAL BANKING CORPORATION [RCBC]: Bukas ang ilang selected branches sa Disyembre 22, 24, 30 at 31; Ilang mga branch ng RCBC Savings Branch sa Disyembre 24 hanggang 31.

CHINABANK: Bukas ang ilang branch sa Disyembre 24, 30 at 31.

BDO: Bukas ang ilang branch sa Disyembre 24, 30 at 31.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?