104

Sep 3, 2019 @ 18:47
By

TINGNAN: Mga kongresista nagsuot ng protest buttons para kay Batocabe

Nagkaisang magsuot ng protest buttons ang mga kongresista laban sa judge na pumayag na makapagpiyansa si dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo sa kabila na non-bailable ang kaso nitong murder.

Kabilang sa nakiisa si Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto.

Si Baldo ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at sa security escort nito noong Disyembre 2018.

Sa kabila nito, pinayagan ni Judge Maria Theresa San Juan Loquillano ng Legazpi City Regional Trial Court Branch 10 si Baldo na makapagpiyansa at mapalaya noong Setyembre 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?