274

Jul 17, 2019 @ 16:25
By

TINGNAN: Mga kalsada sa Boracay nalubog sa baha

Nagdulot ng mga pagbaha ang malakas na ulan na dala ng bagyong Falcon sa Boracay Island sa kabila ng rehabilitation effort na ginagawa sa naturang tourist spot.

Ayon kay Malay Municipal Disaster Risk-Reduction and Management Office officer-in-charge Catherine Ong, ang sanhi umano ng pagbaha ay dahil sa ongoing na rehabilitation kung saan mayroong mga drainage na natatakpan na kailangan nang buksan.

Kanya-kanya namang post ang mga netizen ng mga litrato ng paglubog sa baha ng isla kung saan kinantiyawan pa si DPWH Sec. Mark Villar na siyang nanguna sa Boracay rehab.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?