57

Aug 3, 2022 @ 18:15
By

TINGNAN: Matthew Wright nagpagarahe na!

Nakita na ni Phoenix Fuel Masters star Matthew Wright ang kanyang “Mrs. Wright”.

Pinakasalan na ng basketball player ang kanyang longtime partner na si Gabriela Moscoso sa Amerika.

Hindi nagdamot ang Filipino-Canadian player ng mga naging ganap sa kanyang kasal at ibinahagi ang ilan nilang wedding photo.

“Hate to see y’all frown but I rather see her smile,” caption ni Matthew.

Bago ikinasal ay may isa nang anak na lalaki sina Matthew at Gabriela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?