30

Nov 20, 2020 @ 14:48

TINGNAN: Kilos-protesta laban sa coal-fired power plants, ikinasa

https://www.facebook.com/mobileabante/videos/191836112436195
Nagsagawa ng rally sa Mendiola ang Philippine Movement of Climate Justice o PMCJ nitong Biyernes, Nov. 20, kaugnay ng National Day of Action kontra sa paggamit ng coal-fired power plants. Ayon sa grupo, ebidensya umano ang nagdaang mapaminsalang mga bagyo katulad ng mga bagyong Rolly at Ulysses na tumitindi ang climate change o pagbabago ng klima, at kasama ang mga planta ng coal sa mga nagpapalala sa climate change. Matatandaang nag-isyu ang Departmen of Energy noong Oct. 27 ng moratorium sa pagtatayo ng bagong mga coal-fired power plant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?