Patuloy na nananalasa ang Super Bagyong Rolly sa Kabikolan ngayong Linggo.
Rinig ang napakalakas na hangin sa Sorsogon City, sa video update ni Sorsogon Governor Chiz Escudero, Nobyembre 1 ng umaga.
#RollyPh has been at it for over an hour here in Sorsogon City… Praying for the safety of everyone in its path… pic.twitter.com/45lFzqgyVn
— Chiz Escudero (@SayChiz) October 31, 2020
Halos ulop naman ang itsura ng pag-ulan sa Buhi, Camarines Sur, ayon sa Facebook video update ng kanilang Governor Migz Villafuerte.
https://www.facebook.com/migzvillafuerte/videos/3303732819676543/
Samantala, pinakita ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilawod sa Camalig, Albay ang pagbaha sa Sitio Sogong dahil kay Rolly.
https://www.facebook.com/182585639244518/videos/3540286272677105/
Pasado alas-siyete ng umaga nangyari ang pangalawang landfall ni Rolly sa Tiwi, Albay.
Gumagalaw ito pa-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin na hanggang 225 kph at pagbugsong hanggang 310 kph.